THIS IS HOW TIME IS COMPLICATED!

Thursday, February 18, 2010

Bakit ba?

Nagaaliw sa usok at beer lang ang kasama.... Pilit ka mang limutin, ay naghihintay pa rin... bakit ba kay hirap ng kalagayan ko ngayon, kaya't sakin sarili ay laging nagtatanong... Bakit ba???


Yan ang tanong na napupukaw sa isip ko,hindi ko alam kung bakit, bakit nga ba?


Bakit pag natutunan mo nang mahalin yung isang tao, na malapit sa puso mo, kaibigan mo, "bestfriend" mo, bakit minsan kailangan laging may masaktan, sa isang sitwasyon na ang isa ay madedevelop sa isa, at yung isa, dedma lang, kasi nga kaibigan ka nya. Ayaw niya masira un pinagsamahan nyo bilang isang magkaibigan, pero papano kung iba na yung nararamdaman mo dun sa tao, iba na yung tibok ng puso mo sa tuwing makikita mo siya, masaya kang kasama siya sa lahat ng bagay, pakiramdam mo lumulutang ang oras sa tuwing magkasama kayo, pero hangang doon lang pala, tamang hinala, maling akala, umaasa, nagmumukhang tanga.


Pakiramdam mo mahal ka rin nya, dahil sa pinapakita at pinaparamdam nya sayo, un pala, kaya ganon,dahil magkaibigan kayo, super close kayo, tingin ng maraming tao, kayong dalawa, hatid sundo mo. Bakit nga ba?



Minsan kasi, isa lang yung taong nagmamahal, yung isa hindi ka kayang mahalin gaya ng binibigay mo, dahil hindi ka niya gusto at kaibigan lang talaga turing nya sayo. Masakit di ba? Masakit yung feeling mo pwedeng maging kayo, yung tipong nangangarap ka na isang araw maramdaman niya rin yung nararamdaman mo. Na hindi siya bibitaw sa inyong friend relationship, dahil gusto ka rin nyang mahalin higit sa pagiging magkaibigan! Pero, panaginip lang pala un, sa realidad ng buhay, walang love story, walang happy ending. Hindi lahat ng iniisip mo,pwedeng mangyari. Minsan bigo ka! Minsan kailangan mo tangapin na talo ka! Hindi lahat ng masaya, masaya!



Pano mo kakalimutin yung nararamdaman mo, kung araw araw kayong nagkikita, nagkakasama, hindi na pwede yung tulad ng dati na, back to back kayo, pag walang magawa, lalabas kayo, na parang date, ang tanga mo kasi e, tamang hinala ka sa lahat ng bagay, hindi dapat ganun! minsan kailangan gamitin mo ang utak mo! Use your brains. Fries fries nga naman! Hindi na pwede yung kayo laging magkasama, kasi may iba na siyang kasama. Siguro magandang umiwas na lang dun sa taong yun, pero yung friendship na inalagaan mo ng 5 taon, mawawala na lang ng parang bula, siguro imamaintain pa din, pero masakit kasi yung ganun, yung nakikita mong masaya siya dun sa taong yun, samantalang ikaw, nakakatunganga sa kanilang dalawa, nagseselos, naiingit, na sana ikaw yung taong kausap niya, yung taong niyayakap niya, mahirap, masakit! pero kailangan tanggapin....

Bakit ba? Kasi minahal mo siya, at kaibigan lang talaga ang turing niya sayo! Full tank na nyo! Yun lang masakit!

No comments:

Post a Comment